Sa isang video na inilabas ng GMA News 7:30 P.M, Makikita mismo sa video na animoy nag hahamon ng away si Trillanes kay Paras, tinuro turo nito si Paras at galit na galit na pabalik balik sa kanyang kinatatayuan.

Sa pangalawang paglapit nya kay paras ay nakatindig siya na para bang handa syang saluhin kung susuntok si Paras.

Galit daw kasi itong komompronta kay Paras dahil ito ang nagkaso sa kanya noon ng Inciting to Sedition. Sinabi ni Trillanes na hindi raw sa lahat ng pagkakataon ay nasa pwesto si Duterte kaya't wag mag basta basta si Paras.

Sa interview kay Trillanes matapos ang pangyayari, sinabi nitong hindi niya tinuro turo si Paras at sinabihan lang nya na siguraduhin nyu lang na panghabang buhay si Duterte na nakaupo sa posisyon. Sinabe nito na kinamayan lang daw niya ang katabi ni Paras at ginusto rin daw ni Paras na makipag-kamay, ang sabi lang daw nya - "Ang lakas naman ng loob mo, samantalang ikaw yung nagkaso sa akin noon".

Sinabi naman ni Paras na nakakalalaki daw si Trillanes at pabalik-balik ito na para bang nanghahamon.